Interview on DZMM | Jan. 23, 2019

In an interview on DZMM, Sen. Lacson answered questions on:
– passage of the 2019 national budget
– amendments to the Juvenile Justice Act

Quotes from the interview…

On the bicameral conference committee’s first meeting for the 2019 budget:

“Malaki ang naging diprensya (sa Senate at House). Tinamaan talaga ang P75B adjustment na ginawa ni Sec Diokno dahil hindi na makilala pagdating sa GAB ang House version nawala yan, nabura halos ang P75B. At ang nadiskubre ng HOR doon P51B, hindi ang P75B. So yan ang na-mangle at hiwa-hiwalay na; ang P20B napunta sa P60M bawa’t kongresista, 297 congressmen. Ang naiwang P31.7B nasibak-sibak napunta sa iba’t ibang ahensya at ang naiwanan lang sa DPWH doon, P7B. Anyway nahimay namin yan alam namin saan napunta. So yan ang malaking pagdedebatehan pagdating sa bicam. P75B is P75B, napakalaki.”

“Kailangan mag-consensus kami at yan ang paguusapan kung magkakasundo sa consensus ng Senado at consensus ng HOR. Pero unang ulat ng aking staff talagang mukhang titigasan ng HOR kasi ang isang binanggit ni Rep Andaya doon, kasi di ba alam mo pag nag-meet ang buong bicam panel pag-uusap na lang let’s form a small group bicam pag sinabing small group bicam mga chairman na lang silang dalawa nag-uusap. Kahapon tinigasan ni Rep Andaya, our small group bicam in the HOR will not be smaller than this, e marami sila, 8 sila roon. Isang napansin ng staff ko roon lahat na kasama sa bicam panel ng HOR lahat malapit kay SGMA.”

On the early release of the last tranche of wage increase for government workers:

“Mahirap mangako given the situation sa ngayon. Sa halip na meeting uli ngayong araw, ang susunod na meeting, na Lunes. Ang pagkaintindi ko kaya naging Lunes gusto pag-aralan ng HOR ano ang mga insertion na nagawa sa Senado.”

On amendments to the Juvenile Justice Act:

“First, I think 9 years old masyadong bata. It is too young. Pero maraming provision sa batas na pinasa ni Sen Pangilinan at maganda ang panukalang batas ngayon na magkakatalo sa edad. Ang isang nakita kong dapat pagusapan at dapat pag-aralan nang mabuti, ang child acting with discernment. Alam ba ng bata ang kanyang ginagawa? Tama ba ito o mali o lumalabag sa batas? Ang batas ni Sen Kiko, 15 years old at pababa, lahat yan exempt sa criminal liability, walang qualifications. And 15 years and 1 day old, yan lang ang idedetermina sa pagdinig sa korte kung umakto ba siya with discernment hanggang 15 years and 1 day before 18. Sa akin pananaw ko roon dapat lawakan natin ang pagdetermina sa pag-act with discernment. Ibaba siguro.”

“Hindi ko pa alam anong edad ang nararapat. Dapat ito science-based. Hindi pwedeng kami-kami lang magsasabi kasi mga child psychologists ang dapat nakakaalam niyan. Di lang isa pero dapat maraming makausap na resource persons patungkol diyan para malaman natin ano ba edad ng bata na nakaka-discern siya ano ba tama ba ang ginagawa niya o siya ba magkakaroon ng criminal liability o makukulong ba siya sa gagawing aksyon.”

“Sa pagdinig kahapon although di ako naka-attend dahil meron din akong hearing pero namonitor ko, yung halos sinabi ng mga huwes wala naming na-file-an. Maski ang mahigit 15 years old to below 18 walang nakakarating sa kanilang kaso. Ang kalakaran na lang basta below 18 years old huwag na file-an, release ng pulis. Pero isang napansin ng social welfare officer doon pa gang bata nahuling nagnakaw agad-agad may hawak na birth certificate. So alam niya ang ginagawa niyha. Alam niya depensa niya kaagad. Kung hindi man, provided na siya ng sindikato ng birth certificate. Yan ang problema natin ngayon na dapat iresolba. Dapat talaga ma-discuss mabuti bago maipasa ang amendment. Sa akin it’s about time i-revisit ang batas dahil 2006 naging batas.”

“Dapat marinig natin ang expert dito ang kultura ba may epekto sa discernment ng bata? O kaunlaran ba o kahirapan ng bansa may epekto sa discernment ng bata? Dapat pakinggan lahat yan para makapaglabas kami ng batas na talagang napagaralang mabuti.”

On the budget for Bahay Pag-asa:

“Ang youth rehabilitation center, ang sinasabing Bahay Pag-asa, pinaubaya sa LGU. Ang kwenta, parang maglaan kayo ng tig-1% ng IRA para sa Bahay Pag-asa. Sabi nga ni SP Sotto, naging vice mayor siya, hindi raw nila iniintindi yan sa council eh, ang tungkol sa pagtayo ng Bahay Pag-asa. Of course sinasabi sa batas na 81 provinces at 33 highly urbanized city lang magtatayo. Pero may mga probinsya na baka hindi rin kayanin na magtayo at mag-maintain kasi hindi biro ang maintenance dito, ang pagtayo milyon na ito, baka tens of millions if not hundreds of millions. Pero ang pag-maintain pa kasi ima-man mo yan, sabi ng social welfare officer sa pagdinig kahapon, walang beds, walang facilities. Papano titirhan ng bata roon? So talagang naging halos dead letter law in terms of reforms at rehabilitation ng mga bata. So dapat talagang tutukan ang budget, napakaimportante. At dapat national government na ang mag-provide ng budget dito, huwag ipaubaya sa LGU.”

“Dalawa yan, magagamit at magagamit nang tama. Kung papagawa ng facilities kulang kulang din di magamit ang facilities maski magamit ang pondo.”

On the P400M appropriation for Bahay Pag-asa:

“Pwede ihabol sa bicam yan. Kung may pagkukunan, P400-500M kayang hugutin pa yan doon. At alam mo bicam conference committee, yan ang pinaka-third chamber. Kaya yan.”

“Ang bottom line is, di kakayanin ng LGU makuha sa IRA nila. At kung kaya man hindi nila kukunin dahil IRA nila may earmarks na rin yan. Iba 20% development, 10% SK, etc… Sa pambansang budget dapat kunin yan.”

“Pati MOOE kasama riyan. May MOOE yan, ang programa, anong gagawin ng bata, activities nila. Kasama lahat yan. Holistic dapat tingin sa Bahay Pag-asa.”

*****