Category: Speeches

Ping Lacson’s Speech at Alyansa Rally in Tacloban City, Leyte

Magandang gabi Tacloban City, magandang gabi po Leyte, magandang gabi sa ating lahat!

May dalawang kaganapan na nakaukit sa kasaysayan ng lalawigan ng Leyte, ng Pilipinas, at ng buong mundo. Ang una po ay naganap mahigit 80 taon na ang nakakalipas. Oct. 20, 1944, nang naganap ang pinakamalaking labanang dagat sa buong PH nang dumating si Gen. Douglas MacArthur at sa tulong ng katapangan, kagitingan at kabayanihan ng mga Waray na mga Leytenyo, na-liberate ang Leyte.

Ang pangalawa ay naganap mahigit 11 taon na ang nakalipas noong hinagupit ng Bagyong Yolanda ang 171 cities and municipalities, 14 lalawigan at 6 na rehiyon, kasama ang Leyte at Tacloban City na kung saan mahigit 6,000 ang namatay, mahigit 18,000 ang sugatan, at mahigit 11,000 ang nawawala. At ang nasalanta ay hindi ma-estimate ng maski sino.

Continue reading “Ping Lacson’s Speech at Alyansa Rally in Tacloban City, Leyte” →

Ping Lacson’s Speech at Women’s Month Event in Quezon

Ang araw na ito, ang pagdiriwang ng Buwan ng Mga Kababaihan, ay may dagdag kahalagahan. Dahil maaaring ilan sa inyo hindi nababatid, ito ang 50th anniversary ng pagkatatag ng Philippine Commission on Women. 50 years na ang PCW. Pangalawa, 45th anniversary ng pagpirma ng Pilipinas sa Convention on the Elimination of All forms of Discrimination Against Women. 45 years na tayo nakalagda sa convention na iyan. So talagang higit pa sa pagdiriwang, may dagdag na milestone, para sa taong ito, 2025.

Sa tuwing naggugunita tayo ng International Women’s Day o sa Pilipinas ay National Women’s Month, isang buwan tayo, mas higit siguro natin pinapahalagahan ang kababaihan sa Pilipinas kasi 1 buwan ang ating pagdiriwang ng ating kababaihan.

At kapag naggugunita tayo, nagse-celebrate, ang unang unang pumapasok sa aking kaisipan, sa aking diwa, ay ang aking minamahal na nanay, ang aking ina, na siyang naghubog o nag-ukit sa aking murang kaisipan, sa aming magkakapatid, 9 kaming magkakapatid, na ginapang nila sa hirap para makatapos mag-aaral.

Continue reading “Ping Lacson’s Speech at Women’s Month Event in Quezon” →

Ping Lacson’s Speech at Alyansa Rally in Pili, Camarines Sur

Marhay na hapon sa inyong gabos, mga Oragon! Oragon na mga malalakas, matatapang at matatag. Kaya ang Bicol region, kahit daanan pa ng bagyo, ng baha at pagputok ng Bulkang Mayon, babangon at babangon muli at tatayo sa sariling paa.

Ang patunay ay ang Camarines Sur na kung saan ayon na rin sa 2023 Financial Audit Report ng COA, ay tinanghal na ikatlong pinakamayamang lalawigan sa buong Pilipinas. Palakpakan natin ang mga namumuno sa Camarines Sur at ang mga kababayan natin dito sa Camarines Sur.

Ako man po kahit hindi Bicolano ay isang oragon. Dahil bilang pulis nalagay sa panganib ang aking buhay sa di ko na mabilang na pagkakataon. May kasabihang, ang buhay ng isang pulis, ang isang paa nasa bingit ng hukay at ang isang paa naman patungo sa kulungan. Hindi ko na mabilang sa aking pagpapatupad sa aking tungkulin sa pagsipa ng pinto upang magligtas ng mga kidnapping victims. At minsan kami po ay na-ambush na rin ng rebeldeng NPA sa Isabela na ikinamatay ng isa kong tauhan at kinasugat ng iba pa.

Continue reading “Ping Lacson’s Speech at Alyansa Rally in Pili, Camarines Sur” →

Ping Lacson’s Speech at Alyansa Rally in Bulacan

Magandang hapon sa ating lahat! Ako po ang inyong abang lingkod mula sa Timog Katagalugan lalawigan ng Cavite. Napakaraming pagkakapareho ng lalawigan ng Bulacan at lalawigan ng Cavite. Una, tayo po ay kasama na sinisimbolo ng 8 sinag sa watawat ng Pilipinas na kumakatawan sa 8 lalawigan sa buong Pilipinas na naunang nag-alsa sa mananakop na Kastila.

Noong Hunyo 12, 1898, noong kaunaunahang tinaas ang watawat ng PH sa Kawit, Cavite, sinundan ito ng Malolos Congress, o ang rebolusyonaryong Kongreso sa Malolos, Bulacan noong Setyembre 15, 1898. Kung meron kayo dito sa dakilang lalawigan ng Bulacan ng Francisco Baltazar at Gregorio del Pilar, meron kami sa Cavite na Gen. Emilio Aguinaldo, Gen. Mariano Alvarez, at Gen. Mariano Trias. At sa buong PH, kilala ang Cavite at Bulacan sa naggagandahang dalaga at makisig at maginoong kalalakihan. Totoo po ba yan? Siyempre, magkakasundo tayo diyan kasi ang Bulacan kilala sa mayuyumi at naggagandahang mga kababaihan.

Continue reading “Ping Lacson’s Speech at Alyansa Rally in Bulacan” →

Ping Lacson’s Speech at Alyansa Rally in Dumaguete City

Maayong hapon, Dumaguete City! Maayong hapon, Negros Oriental!

Bagaman kami ay 11 lamang dito, kaming 12 kandidato sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas ay personal na pinili ng ating PBBM base sa aming mga karanasan, kwalipikasyon at kakayahan para maglingkod bilang senador ng Republika ng Pilipinas.

Ako po ay nagtapos sa PMA at naging opisyal ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas, hanggang sa umabot sa rango ng Director General o hepe ng PNP. Sa akin pong law enforcement career, napakarami at hindi ko na mabilang ang mga buhay na aking nailigtas sa kamay ng mga kidnapper at iba’t ibang mga masasamang loob. Ang isa sa aking nailigtas ay kababayan ninyo mismo dito sa Dumaguete City, si Emmanuel. Noong Agosto 1989 sa Cebu City, habang ako ay naglilingkod bilang chief ng Cebu Metrodiscom. Siya ay 9 taong gulang pa lamang noon.

Continue reading “Ping Lacson’s Speech at Alyansa Rally in Dumaguete City” →