In an interview on DWIZ, Sen. Lacson answers questions on:
– Senate-HOR meeting to end the budget impasse
– complaint filed by former Ombudsman and SFA vs Chinese leader before ICC
– measures to prevent future water crises
– localized peace talks with CPP-NPA
Quotes from the interview…
On the meeting to end the budget impasse:
“Naka-set na, naka-schedule na, tuloy yan sa Monday… Basta kami ang guidance ni SP ang aming susundin. Kung ano ang naaayon sa batas at saka kung ano ang tama doon kami siyempre.”
“Siyempre may bottom line kami. Kami may baseline. Kapag di kami bababa sa pinaka-baseline namin, magkakasundo. Pero kung ang hihingi ay mas ano pa, hindi tugma sa pinaka-baseline o pinaka-bottom line, hindi magkakasundo.”
“Doon kami maghahanap ng middle ground. Di pupwedeng patigasan otherwise walang meeting of the minds. Pero sabi nila importante magkaroon ng meeting of the minds. Kami ang bottom line ang Constitution at ang legality. Kung mas mababa o hindi tutugma sa provision ng Constitution, siyempre yan ang aming pangangatawanan.”
“Mukhang positive naman, receptive naman daw ang at least ang side ni SGMA. So magandang panimulain yan.”
“Hindi pwede mag-itemize o mag-realign pagka hindi na-take up sa BCC. Kung ano ang napagusapan sa bicam yan lang dapat sundin. Malinaw yan kasi Constitution yan. At maski sabihin nila di kami abogado ni SP o ni Sen Loren, surrounded naman kami ng lawyers eh. Sabi ko nga, in fact mismo si Sen minority leader FMD ang nagmulat sa amin, advice niya kung pirmahan ni SP ang enrolled bill kasi nga magiging vulnerable siya na pwede makasuhan sa falsification of legislative document or record.”
Possibility of swift transmittal and signing of the budget:
“Oo ganoon kabilis basta magkasundo. At kung anuman ang ive-veto ng Pangulo, bahala na Malacanang doon. Kasi sinasabi ni SGMA na hindi pwedeng mag-enroll ng bill na may lump sum kasi laban yan sa ruling ng SC. Pero ang contention namin, hindi pa naman final ang authorization phase na doon sa budgeting process hanggang di naaprubahan ng Pangulo. So maski hindi na-itemize sa joint BCC na naratipikahan at kung may maiwanang lump sum doon, bahala ang Presidente i-veto yan. Under the Constitution na mag-line item veto. Pag lump sum, line item i-veto niya. Yan ang pwede naming pagusapan ngayon na i-file bilang supplemental budget. Walang lalabagin sa Constitution.”
On Sen. Legarda’s assurance of support amid Rep. Suarez’s claim of a ‘silent majority’ against you:
“Hindi totoo yan. Imbento lang ni Rep Suarez yan. Dahil sabi daw bipartisan ang suporta kay SP Sotto diyan. Nang nag-usap kami discuss muna yan, inabutan ni SP imbitahan si FMD para represented ang minority. Ganoon ang nangyari. So wala talagang katotohanan ang sabi niya. Intriga lang niya yan. Maski si Sen. Loren, siya ang kumokonsulta, kumukumbinsi sa amin na payagan, unang una hindi naman pumirma si Sen Loren sa enrolled bill. Ang nakapirma doon SP at Secretary. Kaya alam mo na nanghuhula lang si Rep. Suarez.”
On the complaint lodged by former Ombudsman Morales and former SFA del Rosario vs Chinese President Xi before ICC:
“Unang una, patriotic move ang ginawa ng dalawa, dating Omb Morales at dating Sec del Rosario. At sundin natin bilang Pilipino na suportahan ang kanilang, kasi patriotic move yan. At kung sakaling magtagumpay sila malaking boost yan sa arbitral ruling na panig sa atin kasi maski papano kasi ang arbitral ruling alam natin na unimplementable yan, di ma-enforce yan. Kung halimbawa mabigyan ng due course ng ICC ang hinaing complaint nina Omb Morales maski papano advantage sa atin yan kasi magkakaroon ng pressure ang international community sa pamamagitan ng ICC na baka ma-enforce ang ating pag-angkin sa disputed waters at islands.”
“Bahala ang ICC mag-decide noon. Kasi may provision diyan tungkol sa kung hindi myembro o myembro. Hindi absolute ang base sa nabasa ko, hindi absolute na kung di ka member, completely walang jurisdiction ang ICC. May provisions doon, may qualifying circumstances kung saan meron silang pwede maging jurisdiction. Tayo opinion lang ang sa atin base sa nababasa natin at base sa pagtatanong natin sa international law. Pero walang pinanghahawakan yan kundi yun lang, opinion lang.”
On whether PH withdrawal from ICC should pass through the Senate:
“Malinaw naman sa Constitution na hindi kailangan, ang nakasaad lang lahat na treaty na pipirmahan papasok na tratado Senate ang magra-ratify bago pirmahan ng Pangulo. Pero silent ang Constitution na pagka nag-withdraw o nagbalewala tayo ng treaty or kung anumang agreement ay dadaan sa Senado. So naka-pending sa SC yan, bahala ang SC mag-interpret. Kasi sa ngayon wala namang express provision sa Constitution na kailangan pag withdraw at pagbalewala sa isang treaty ay babalik sa Senado. Pero may pananaw na dahil Senado nag-ratify matuwid lang na kailangan meron ding confirmation o may consultation man lang sa Senado. Pero sa SC yan. Bahala mag-interpret ang SC sa bagay na yan.”
On the recent NCR water crisis:
“Ang nakikita namin diyan base sa pahayag noong hearing, ang talagang malaking pagkukulang yung Manila Water dahil hindi nasunod ang kanilang long-range planning, ang ginagawa sa Cardona ang water treatment. Kasi kung natapos noong December yan, ito base sa pahayag ni MWSS Administrator Velasco, at nagkausap din kami bago ang hearing. Medyo kinonsulta ko rin siya. Kung di na-delay ng 3 buwan at nasunod ang timeline na Dec 2018 natapos ang Cardona, naging operational, walang water crisis. Kasi nangyari riyan dahil di natapos ang water treatment plant nila ang reserba na nanggagaling sa La Mesa yan ang nagamit nila. Kaya question ko bakit sa business plan, sa concession agreement, pag-approve pa lang ng business plan nagbabayad na ang mga consumers. Sabi ko nga napaka-unfair naman, masyadong disadvantageous o pagsasamantala sa mga consumer na pag-submit pa lang ng business plan approve pa lang ng business plan di pa nag-construct, e bakit magbabayad kaagad maniningil na? Ang tawag doon wala rin magagawa ang MWSS sa ngayon dahil nakasaad yan sa concession agreement, kasi isipin mo hindi pa nakakapag-deliver maski isang patak ng tubig construction pa lang ng water treatment plant binabayaran na ng consumer yan.”
“Kaya tanong ko pilit magkano na ba nasinigil ninyo? Sabi niya starting 2015 naniningil na sila. Pero 2016 pa lang nagsimula ang construction at dapat natapos December di pa natapos, e Marso na tayo ngayon. Pero nakasingil na sila. Sabi ko magpakita sila ng goodwill sa mga consumer lalo pa may water crisis.”
“Ang irony rito, isipin mong yung dahilan kung bakit nagkaroon ng water crisis ay naninigil pa rin sila. Di ba matuwid lang na maski nakasaad sa concession agreement parang as a sign of good faith sila na unilateral on their part tigilan muna ang paniningil sa Cardona water treatment na di pa nakakatulong sa pag-deliver ng tubig.”
“1997 pa ang concession agreement na yan at dapat matatapos ng 2022 pero base sa information galing sa MWSS in-extend nila hanggang 2037. So hindi ko alam kung papaano yan makakaibsan ng parusa sa mga consumer dahil nang binasa ko ito kasama ang abogado ko sa opisina ang unang tanong ko di ba parang napaka-onerous nito, parang highway robbery sa mga consumer kasi nga sa mga provision kung saan napakaagrabyado ang mga consumer. Pero ang sagot naman nila, noon kasing tinakeover ng private entity, Manila Water and Maynilad, sa MWSS pagkalaki-laki pa ng utang. So parang nilagyan ng sweetener para may pumasok na private sector.”
“Ang kapalit naman niyan kasi panahon ni PFVR ito, natandaan mo panahon ni FVR napakarami nating binenta. Ang NLEX, SLEX na-privatize yan tapos na sana, wala nang toll fee na binabayaran pero binenta uli kaya hanggang ngayon taas pa rin ng taas ang toll fees. Pagkatapos ang power ganoon din. Ang problema noong panahon ni FVR maganda ang takbo ng ekonomiya pero ang long-term effects yan ang nararamdaman natin ngayon sa power, water, pati sa infrasructure kasi puro sovereign guarantee ang ibinigay. Ganoon din sa kuryente sa IPP, independent power producers na maski di nakaka-deliver maski isang unit ng electricity, binabayaran natin ang kuryente kasi yan ang pinasok nating kontrata sa mga IPP. Ganoon din nangyari sa tubig. Nang isinapribado ito, binigyan ng katakot-takot na advantage o parang sweetener ang private contractors.”
On possibility of terminating the concession agreements of Manila Water and Maynilad:
“Yan easier said than done. Maliwanag sa ating Saligang Batas ang inviolability ng kontrata. Hindi mo basta pwede balewalain ang isang kontrata unless may pamamaraan na pwede gawin na hindi lantaran o frontally lalabis sa provision ng Constitution.”
“Pwede natin sabihing ganoon pero di natin alam ang detalye kung bakit na-delay, pwedeng technical problems. Pero bakit paparusahan mo ang consumer kung may technical problem kayo, kung meron kayong ineffficiency kung anong problemang hinaharap nyo, sobra naman abuso na nawalan ng tubig at tuloy singil ninyo pero pati ba naman ang plantang tinatayo nyo pa lang (bawasan?) man lang sana ang singil di nyo pa rin magawa. Kaya medyo nainis ako noong sagot ni (dela Cruz) simple ang tanong at sagot niya paikot-ikot pa. Sabi niya ready sila to explore the possibility alam mo pag sinabing explore the possibility, pwedeng di na mangyari; malamang sa hindi, hindi mangyari yan. Walang commitment eh.”
“Parang sabi ko parang naging may permission ang gobyerno na holdapin natin itong mga mamamayan. Parang nangyari noong araw, noong 1997 nang nagpirmahan ng concession agreement. Ang masama nga nito matatapos sana sa 2022 ibig sabihin makabawi-bawi ang consumers, in-extend pa ng board till 2037. So dagdag parusa yan. Ngayon hindi natin alam papaano, siguro mag-intervene ang Kongreso na kung saan kasi hindi prangkisa yan eh. Ang isang tanong doon, bakit hindi legislative or congressional franchise ang gawing requirement sa Maynilad at saka sa Manila Water? Ang tawag kasi nila agents lang sila ng MWSS kaya hindi sila nangangailangan ng prangkisa.”
“Pwedeng gawan ng masusing pag-aaral na kung saan para lang maprotektahan ang consumer baka pwedeng idaan natin dahil ito ay utility kailangan i-require na bigyan ng legislative franchise.”
On some reelectionist senators lagging in surveys:
“I’m just hoping pumasok lahat na reelectionists. Bakit? Dahil nakasamahan namin sila ng 3 taon at lalo ng kasamahan naming mga bata ang sisipag eh. Na-observe namin ito na talagang matitiyagang mag-aral ang sisipag mag-sponsor ng pet bills nila na naging batas. Halimbawa si Sen JV medyo naiiwanan sa survey, ang laki ng nagawa niyang contribution sa batas na Universal Health Care, landmark legislation. Nakakapaghinayang kung mga ganoon kasipag na kasamahan namin at sinasabi ko nga pare-pareho sipag nila, kami medyo pagod na kami, mabuti nariyan sila kaya naitutulak ang legislative agenda hindi lang ng national government at executive branch kundi sa amin pinaguusapan namin sa caucus ang gusto naming prioritize na mga bills. Sila madalas kesa hindi nagtutulak.”
“Yan ang kultura sa ating electorate. Pagka nakitang medyo laggard sa survey ang pangunahing iniisip nila masasayang ang boto ko di rin ito mananalo. Dapat ang edukasyon ng ating mga botante, ke manalo o matalo, kung naniniwala ka sa tao, iboto mo. Mahirap kasi pagka talo, orphan. Ang kitang kita panalo, yan ang maraming tatay.”
On localized peace talks with CPP-NPA:
“Maganda ang kanyang strategic shift from national ilo-localize. Nang nag-hearing kami ni Sen Honasan sa committee niya peace and unification, sinuggest namin kay dating Presidential Adviser Dureza at Sec Bello. Sinasabi namin sa kanila ako mismo tinutulak ko dahil hindi naman talagang buong PH may insurgency problem may CPP-NPA problem. May lugar na malalakas sila, may lugar na threatened lang ang barangay. So bakit hindi mas maganda at mas practical i-localize na lang? Pag kausap si Joma Sison sa Utrecht sabi niya ceasefire nag-a-ambush at nagre-raid naman ang NPA so wala siyang control sa armed regulars. So mas maganda mas alam ng governors and alam ng mga mayors ang lugar nila kung gaano kalakas o paano kausapin ang mga guerrilla forces doon. So mas mainam ma-localize kesa sa national level.”
“Ako natutuwa na yan naging decision ng Malacanang sa ngayon na i-localize ang pakikipagusap. Mas practical talaga yan at hindi pa magastos, hindi tedious. Mas mainam yan. Kaya all-out full support ako sa ginawang hakbang ni PRRD na ihinto na ang pakikipagusap sa national level kasi walang mararating kesa naman sa i-localize natin sakaling ma-solve natin ang problemang madaling i-solve ang problema sa bayan mahina ang presence ng NPA. Kaya select na lang ang mga lugar na ika nga mas may influence ang NPA doon mag-focus ang military forces para umabot sa ground ang strategic advantage. At pag medyo lamang na lamang na saka kausapin bigyan ng tulong ang mga NPA members.”
“Walang nararating ilang administrasyon na yan. Kasi ang mga demands pag nagbigay ng demands sa Utrecht kung anu-anong sinasabi. Kaiangan coalition government kailangan uupo sila sa NSC e patungo ito sa takeover. So mas mainam i-localize at ma-address kung anong problema at mga basic na dahilan kung bakit sumapi sa CPP-NPA ang mga kababayan natin. So pagka na-address yan e mas maganda, baka sakaling magkaroon tayo ng permanenteng kapayapaan.”
*****