Interview on DWIZ | March 2, 2019

In an interview on DWIZ, Sen. Lacson answered questions on:
– possible delay in the signing of the 2019 budget due to House’s post-ratification pork
– need to revisit RP-US Mutual Defense Treaty amid US State Secretary Pompeo’s assurance

Quotes from the interview…

On possible post-ratification pork in the 2019 budget:

“Nagsimula kasi may mga nagfe-feedback na mga ibang congressmen, may mga nakausap ako nag-alala sila may balita sila nag-circulate sa HOR na hanggang ngayon mina-manipulate pa rin ang numero ang allocation para sa kanila, inaamin nila na talagang pork barrel ang sa kanila pero nag-alala sila dahil balak daw bawasan ang kanilang mga allocation na carried na sa bicameral report. So yan ang kanilang agam-agam. Ginawa ko nagtanong ako sa atin sa budget research and monitoring, at sabi nga nila hanggang ngayon di pa na-transmit at di nila ma-finalize kasi nga sabi ng HOR counterpart nila, teka muna hinihintay ang ibang kasamahan sa HOR para mag-submit ng listahan ng projects. Sabi ko di ba anomalous na yan kasi inaprubahan na at ni-ratify na, paano pa maaprubahan, halimbawa iba ang submitted. Papano ma-certify ng SP at Speaker? Kasi pag enrolled ang bill, magse-certify sila na ang kanilang sina-submit yan ang inaprubahan ng both houses. So malaki ang problema at ang tanong, bakit di nila sinubmit noon pa, bago mag-ratify ang bicam?”

“Kaya ko nasagap ang information kasi congressmen ang nagsabi sa akin eh. Nangangamba siguro 2 linggo na nila binabanggit yan, ang sabi nila paano yan, sabi ko di pupuwede yan. Sabi nila e ginagawa na nga eh. sabi ko question-in yun, sabi nila saan kukuwestyunin? Yan ang parang humihingi sila ng saklolo sa akin, sabihin na nating ganoon para may katulong silang kwestyunin ang ginagawa sa HOR in spite napasa na sa bicam at naaprubahan sa plenaryo bakit ngayon binabago pa. Sa kanila nanggaling ang information. But of course that’s subject to validation.”

“Hindi (ito) pupuwede kasi violation na ng legislative process yan. Remember, ang legislative process sa Constitution yan.”

“May tinitingnan na abuse of discretion dahil nga wala nang approval ito sa plenaryo ng HOR, bakit hinahabol pa? Worse, kung ma-validate ang sinasabi ng ibang kongresista na ima-manipulate pa ang mga numero at listahan, lalong masama na yan.”

“Hindi naman kikilos ito kung walang kumpas ng liderato eh. Siyempre doon dadaan ang sinasabi nilang hinihintay nila ang listahan ng proyekto. Ito inamin ito ni Rep. Andaya, sabi niya diumano for transparency ia-itemize nila ang mga listahan ng mga project ang pinasok na pork; maliwanag namang pork barrel yan maski magtalo tayo ng magtalo, talaga naman pork barrel na maliwanag kasi may discretion ng kongresista. At lumalabas na nga ngayon kung ngayon pa lang sila nagsusumite ng listahan ng mga individual projects, e ano na nangyari sa budget process o legislative process natin? Napakalabo.”

“So nakita ko gaano ka-blatant na tanggi sila ng tanggi na walang pork pero sa ginagawa nila maliwanag namang pork.”

“At the very least ngayon ko lang nalaman na may nangyaring ganyan. So I don’t think may nangyaring ganyan noong nakaraan. Kasi maraming first na nangyari nang nagpalit ng liderato sa HOR.”

“Yan nga ang anomalous doon. Isipin mo nag-approve ng bicam report tapos ratified ng both houses, yun pala wala pa pala, e di lump sum. Di ba noon naghahamon pa sila for transparency i-itemize namin lahat ito, yun pala hindi naman pala itemized. Di ba hinahamon kami kaya ako nag-post sa aking website at sinapubliko ko na rin ito ang aking amendments kasi sinasabi ko ini-insist ko institutional ang amendments ko. Di naman sila tumugon sila unang naghamon pero di sila tumugon, yun pala wala sila mapapakita kasi wala silang listahan.”

“Ngayon pa lang sila nagsa-submit, e di abuse of discretion. Bakit abuse of discretion? Di pa approved sa plenary ang sina-submit nilang listahan. Amendments yan eh.”

“Ganito na lang. Tingnan na natin sinong unang mapapagod. Basta ako sinisigurado ako di ako mapapagod sa kakukwestyon.”

On senators’ stand vs House’s supposed manipulation:

“Kahapon kausap ko Sen. Legarda chairman ng (Senate committee on) finance, sabi niya, nag-assure siya di niya papayagan mapalitan pa kung anong naaprubahan sa bicam. Yan maliwanag na sinabi niya.”

“May assurance naman na binigay si Sen. Legarda. At pag nasumite at initially may nakitang mga may changes, hihiling siya ng pagpupulong ng mga senador para ipresenta niya at makapag-decide kami as a body kung ano ang dapat namin gawin. Of course ang bottom line, hindi namin papayagan at mag-stick kami sa naratipikahan na bicameral conference committee report.”

“Naiparating na ni Sen. Legarda sa kanya (SP Sotto) at aware si SP ganoon ang mangyayari at ang nabanggit ni Sen. Legarda kahapon na pag na-submit ng HOR ang kanilang listahan, at may nakita silang pagbabago agad siyang hihiling ng pagpupulong ng lahat na senador para i-discuss namin as a body ano ang dapat naming gawin. Pero of course foregone conclusion di namin papayagan na mabago pa ang bicameral reports.”

“Sa tingin ko naman makikipag-cooperate lahat na kasamahan namin kasi importante ito. Legislation ito, pinakaimportanteng piece of legislation sa buong taon ang budget bill.”

Options to fight such abuse of discretion:

“Ang pwede lang gawin dumulog uli sa SC para kwestyunin itong bago na naman na ginagawa to go around ang pagsisingit na naman ng pork barrel allocations. Ang maganda sanang mangyari kung may maliwanag na violation pwede mag-cite for contempt ang SC kasi kung vina-violate ang ruling ng SC kung may magdulog doon na i-cite for contempt ang taong nagva-violate para may kaukulang sanction or penalties. Kung hindi man ay multa kasi pag contempt naman pwede ikulong.”

“Yan lang ang definition nila samantalang nang nag-interpellate ako inisa-isa ko ang mga paragraphs, ang sa dispositive portion na hindi lang limited or confined sa post- and pre-enactment. Sini-simplify nila to suit their purpose.”

On possible further delay in the signing of the budget:

“Ang premise ng March 15 (ang pagpirma ng budget law), e March 1 sa Malacanang na ang enrolled bill. E March 2 na ngayon, wala pa, di pa tapos kasi nga medyo may proseso pa yan. Pagka na-submit halimbawa sa isang linggo na submit ng HOR ang listahan ng proyekto at ito bubusisiin sa Senado, initially sa research namin. Kung may pagkakaiba present pa sa senador. At kung halimbawa titigasan namin at titigasan talaga namin, I for one will insist hindi pwede baguhin ang bicam report. And I’m sure my colleagues will agree di pwede baguhin ang bicam report. Kung hindi babalik kami, mag-special session kami at ngayon lang mangyayari na bicameral conference naratipikahan, babaguhin mo pa?”

“Magulo ang ginawa nila. Talagang lahat pinaglalaruan nila. Bakit? Question ng pera, question ng greed, wala nang kahihiyan. Yan ang bottom line. Hindi na nahihiya at saka kapalmuks na, sobra na.”

“Oo pero kung magpirma, halimbawa nakita namin may pagbabago at nag-usap ang 2 leaders. Kung papayag ang HOR na pumirma sa magse-certify na mag-stick sa kung ano inaprubahan sa bicameral report madadali yan. Pero kung titigasan ng HOR sabihin nila hindi, kailangan ipasok ang mga bago, yan ang hindi namin papayagan kasi hindi pipirma ang SP. So yan ang makapagabala. Sa amin non-negotiable yan. We don’t want to be party sa pag-violate ng Constitution.”

At least 30% of the budget may be going to corruption:

“Magiging mabait ako sa estimate ko, a good 30% of the national budget nauwi sa corruption. Huwag na yung sa inefficiency, iba na yan, ang inefficient ang planning, nagagawa ang proyekto pero hindi pa naayos sa planning naantala. Iba pa yan. Ang corruption pa lang, sa dredging, desiliting, commission, sa ghost employees, mabait na ako, 30% tama?”

“Tayo ang nagbabayad ng tax tapos nagugutom ang iba… Di ba nag-viral pa nag-improvise ng ballpen ang bata dahil wala siyang pambili ng ballpen di ba dapat provide ng gobyerno yan. Free ang public school. Bakit nagkakaganoon? Dahil ninanakaw ang budget.”

“Di na-realize ng kababayan natin akala nila nanggugulo ako at nanggugulo; at least ang mga kritiko ano ang talagang gusto palabasin nakarinig ako ng ganoong comment pero ako di ko mind yan kasi kung tatabla ako ng ganoong negative comment, ano hihinto ako? E may kanya-kanya tayong advocacy, nagkataon ito advocacy ko among other advocacies ito ang pinakamalaki kong advocacy.”

On Secretary Pompeo’s assurance US to defend PH in case of armed attack:

“Malaking bagay yan. Big deal yan kasi firsthand tayo nakarinig. Of course kausap naming taga-US Embassy at embassy officials mga taga-State Department din yan, sabi nila on personal level talks ang pakikipag-conference nila sa amin sabi nila bound sila ng obligation nila to come to the rescue kung halimbawa may attack.”

“Mabuti clarified ni Sec. Pompeo, very reassuring na sinabi niya na nariyan kami. As I had anticipated magre-react ang China nag-react na nga sabi nila huwag makialam ang US dito kasi nagma-maintain kami ng peace and prosperity sa WPS. Huwag kami pakialaman.”

“Yung foreign policy ng isang bansa at ang PH kasama rito hindi exception, greatly influenced by the leader, ang national leader. Kung anong direction ng foreign policy ang laki ng influence ng PH President. Ang ating foreign policy di ba open up tayo, dati nakakiling tayo sa west, sa US. Pero si PRRD iba ang kanyang leaning, papuntang China ang kanyang preference. So yan ang makakaimpluwensya kung ano magiging action natin. No matter how reassuring ang binitiwang salita ng State Secretary, tayo pa rin ang masusunod. Of course ang foremost sa foreign policy is national interest. Alam natin ang US kaya sila nagbibigay ng assurance na ganoon, pinoprotektahan nila ang kanilang seguridad at saka economic interest nila. Hindi ito ang primordial concern nila ang interest ng PH siyempre mangunguna ang interest ng US kaya sila gusto nila may economic implication sa kanila yan at may security implication kung mako-control ng China ang WPS. Daanan din ng commerce at security-wise importante sa US na meron silang poder sa area na yan. So nariyan ang sitwasyon ngayon we are in. But ang malaking influence diyan, kung sinong namumuno iyan pa rin ibig sabihin kung ano ang preference yan ang masusunod more or less. Policy makers kami meron kaming oversight at kami ang nagra-ratify ng tratado kung halimbawa there’s a need to review and fine-tune the 1951 MDT pwedeng gawin yan at sa Senate yan. Senate ang nagraratipika.”

“Sa akin ang importante balance of power. Siyempre national interest mangunguna. Pag di balanced ang power na may impluwensya sa PH may problema tayo. Kung palalakasin natin isang power at disregard natin ang isang power, let’s face it, 2 ngayon ang superpowers. Huwag muna natin i-count ang Russia pero China at US, militarily, economically, maski strategic. Sila talaga ang tumatayong superpower. Tayo napakaliit at napakahina natin. So kailangan ang foreign policy natin geared toward maintaining the balance of power.”

“Bayaan natin na ang balance of power is well-maintained. This much I have expressed repeatedly pag may kausap galing sa embahada ng ibang bansa. Yan ang importante.”

On need to revisit RP-US Mutual Defense Treaty:

“Ako I would say kailangan i-revisit. Sabi nga ni Sec. Lorenzana, attack ang sinasabi roon. Pag inatake ang isang bansa kailangan obligado ang isang bansa na sumaklolo. Pero in-occupy ang island natin wala namang attack eh. Kailangan i-define yan. Pwede ba i-consider an attack on our territory ang pag-occupy lalo na may arbitral ruling na pumapabor sa atin pero sige pa rin ang buildup ng military installation? Mga airstrip kung anu-ano.”

“Kasi naiba na ang landscape. Noong araw pag in-attack in-attack mo parang invade mo isang bansa pero ngayon may tinatawag na economic invasion o kaya parang creeping invasion na unti-unti nakapagtayo roon tapos inako na kanila, naglabas ng mapa na kung saan nanggaling. So para sa akin dapat talaga tingnan uli, review-hin lang kasi kung anong provision at articles doon na pwede improve the language para mas maliwanag.”

On the anti-drug war:

“We have to look at the numbers. Noon sinasabi 4m, may nagsabi 1.7m ang drug users. Kaya di ba nang nag-request ng additional funding sa budget ang DDB kasi gusto nila magkaroon sila ng accurate na estimate kung ilan ba talaga ang drug users. Dahil ako nag-defend ng budget ng DDB at PDEA, ni-recommend ko talaga na ang kailangan na pondo para magsagawa ng scientific or realistic survey o pagbibilang kung ilan ang drug users, doon natin makikita kung are we winning or are we losing or are we at a stalemate. Huwag na bilangan ang namatay o nakumpiska kasi trabaho nila yan. Ang bilangin natin ang pumapasok pa, strategically are we winning? Kasi kung nananalo tayo dapat hindi na pumapasok ang droga. Ang problema nga, bulto-bulto, tone-tonelada pumapasok sa regular port pa. Dati in-smuggle ito o pure smuggling o pumapasok ng precursor tapos may laboratory ngayon iba ang labanan, nagpapasok ng bilyon-bilyong peso o tone-toneladang shabu finished product at nakakalusot sa Customs ang laki ng problema natin.”

“Siyempre ang addict, maski nga ang relapse maski rehab sila, kung walang programa ang govt sa tingin ko walang programa after-rehab after-treatment, may program ba ang govt to monitor o tingnan mabuti kung mare-relapse ang mga na-treat na. E pabalik-balik yan kasi pag bumalik di mo mabawasan ang addict at halimbawa kung nagyaya pa ang mga barkada kasi mabigat dito peer pressure na tawag, magbabarkada kantyawan sumama na rin tapos nagkaroon ng bisyo magtutulak yan para masustain ang bisyo.”

“I’d rather look at it long-term kesa puro tactical na manghuhuli ng may sachet, mapatay tapos ang malalaki naman di mahuli o mahuli man di nanlalaban, ang nanlalaban lang mga naka-tsinelas. I go along with those who observe bakit masyadong ang napapatay sa sulok ng eskenita naka-short o tsinelas pero ang nahuling Chinese drug lords naabswelto pa dahil yun nga. Kaya may problema ang war vs drugs.”

“Kung hindi effective ang bloody war vs drugs dapat mag-rethink ng position, mag-iba ng strategy ang PDEA at PNP. Dapat kung ako nga kung PDEA trabaho nila big-time, parang huwag sila manghuli ng sachet-sachet o kilo-kilo. Dapat hanap nila tone-tonelada. Ang street pushers kaya na ng PNP yan. Kaya ayoko makakakita o makarinig ang PDEA nanghuli ng 1 kilo o 500 grams. Di nyo trabaho yan doon kayo, specialized kayo, hayaan sa PNP ang mga eske-eskenita. Huwag nyo sayangin ang resources ninyo at kung may mahuli sa eskenita dapat develop nyo pataas ng pataas sa talagang source. Hindi yung sachet pa lang o gramo pa lang pinapatay na, e di putol ang chain ng information. Mas maganda panimula pa lang, kasi yan ginawa sa US FBI kay Director Hoover. Talagang may special task group nag-focus sa bigtime personalities. Sina Babyface Nelson, lahat ito natiklo nila. Hindi nila pinatulan ang maliit, doon sila nag-focus. Dapat ang PDEA if I may suggest, ganoon focus nila, huwag patulan ang maliit, yung maliiit kunin nila pang-confirm ng information papunta sa taas, ang main source.”

On survey showing more Filipinos afraid of being EJK victims:

“Ang perception ng tao laging may pinaghuhugutan. Di natin tinatawaran ang methodology ng surveys pero minsan may palpak din kasi survey sila ng 1,200 people covering the entire population. Of course di natin kinu-question ang scientific method na ginagamit pero minsan pumapalpak din, hindi accurate. Kung focus nila ang respondents may kakilala ng napatay, siyempre ang sagot doon definitely nangangamba ako baka mangyari sa akin yan. Pagpunta sa lugar na walang ganoong pangyayari siyempre maging sagot noon wala naman, ok lang, maganda ang ginagawa ng gobyerno. So perception ito. Mas mainam gamitin talaga pag-survey o pagbilang ang talagang scientific, realistic.”

On death threats reportedly received by bishops:

“Unang una responsibilidad ng PNP yan, law enforcement, siguraduhing walang mangyayari sa obispo at for that matter ang mga citizens. ‘To Serve and Protect’ nga eh. Kung anong mangyari sa lutang na personalidad, obispo, mahirap ipaliwanag lalo na at may ganoong pahayag na nakakatanggap ng death threat.”

“Sa side ng mga pronouncement ng pangulo yan ang nagiging problema kasi there was a time pag nagsalita ang pangulo yan ang policy statement. Ngayon nga lang tayo nakarinig na sasabihing ganito tapos pagka medyo may reaction ang iba, iba ang sasabihin, taliwas at kontrang kontra, baligtad sa sinabi noong una. Hindi sa pag-aano dumaan ang maraming spokespersons, di nakakainggit ang trabaho ng spokesperson ni PRRD. Minsan namimilipit sa pagpapaliwanag, pilit na maging cool at maging makatotohanan ang sinasabi pero alam natin kung babaligtarin mo ulo sa likod ng batok, iba ang iniisip niya.”

“Ganoon talaga pagka nagsalita ang pangulo, basta pangulo ka ng bansa at nagsalita, yan ang policy, it’s always a policy statement. Of course kung maliwanag namang lahat na tao marunong magbiro pero dapat maliwanag na biro kung biro, nasa context na biro. Minsan kasi nakapagsalita siya akala mo totoo ang dating sa tao totoo yan ay policy. Pag sabi harangin ang mga obispo maraming pera yan patayin ninyo, kung may siraulo nga na akala guidance, halimbawa pulis na siraulo (iniisip niya), baka ma-promote ako kung pumatay ako ng obispo, delikado.”

On Senate ‘macho bloc’ helping reelectionist senators’ campaigns:

“Let’s put it this way. We’re on call. Nakakahiya kasi sa iba baka mamaya para naman kaming sobrang sikat na ina-assume namin na makatulong kami baka mamaya ang lugar na pupuntahan nila marami pala rin roon na di naman para sa amin, baka makasama kami. Sila na mag-decide kung ang pupuntahan nilang lugar nangangailangan sila ng kaunting salbabida o tulong, naroon kami. Nariyan kami kung kailangan nyo kami pero hindi para sa magprisinta kami dahil nakakahiya rin baka di kailangan ng tulong magprisinta pa baka makasama pa.”

*****