Sa pagtatapos ng kampanya at halalan sa Mayo 9, umaasa si independent presidential candidate Senador Ping Lacson na ito na rin ang magiging katapusan ng pagkakawatak-watak at girian na nanaig sa nakararaming botanteng Pilipino noong nakaraang 90 araw.
Sa kanyang Twitter post nitong Sabado ng umaga, ipinahayag ni Lacson ang pag-asa niya na maging isang bansa at nagkakaisang sambayanan muli ang mamamayang Pilipino.
“Dear God. Thank You for keeping us ALL safe from illness and injury as we finish the race to submit ourselves to the will of the people. May the bitterness and animosity be buried with the memories of the most grueling 90 days of our lives and be one nation, one people again,” ani Lacson.
Related: Lacson Hopes for Unity, End to Animosity as Campaign Period Ends
Continue reading “Ping, Umaasa sa Muling Pagkakaisa, Kapayapaan ng Sambayanan sa Pagtatapos ng Kampanya”